top of page
100782698_111143753953900_47089738008452

Pampinid na Programa sa Buwan ng Wika

Bilang mga Pilipino, tayo ay may sariling wikang pambansa. Wikang sariling atin, na ginagamit sa pakikipagtalastasan para sa lalong pagkakaunawaan at pagkakaisa.

Ang buwan ng Agosto ay inilaan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Iba’t-ibang paligsahan ang ginanap upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang paraan upang madama nila ang kahalagahan ng Filipino bilang wikang ating ginagamit sa pang araw-araw nating pamumuhay. “Filipino Wika ng Saliksik” ang tema ng taong 2018.

Naging matagumpay ang inilunsad na palatuntunan at nagbigay ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na ipakita ang kanilang galing sa iba’t-ibang kategorya ng paligsahan, kaagapay ang kanilang mga kakayahan.

Sa unang araw ng Setyembre taong 2018, ginanap sa bakuran ng paaralan ang Pampinid na Programa sa ganap na ika-12 ng hapon. Ito ay nagsimula sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Gng. Edielyn P. Dalloran, guro sa unang baitang. Sinundan ng doksolohiya ng mga piling mag-aaral ng ikatlong baitang at panalangin ni Gng. Juville E. Manong, guro sa unang baitang.

Si Gng. Martiniana C. Santos, guro sa ika-anim ng baitang at Master Teacher 1 ang nagbigay ng bating panimula at dito’y binanggit niya ang matagumpay na patimpalak, pagbati sa mga guro at mag-aaral na nagwagi at pasasalamat sa lahat ng nakiisa.

Nagbigay ng pampasiglang bilang na awit ang mag-aaral mula sa Kindergarten sa pagsasanay ni Bb. Jenniffer Cava. Ang mga sumusunod ay ang mga batang nanalo sa bawat kategorya ng patimpalak na hinandugan ng gawad parangal sa kanilang pinakitang talino at kakayahan para sa Buwan ng Wika.

Para sa Unang Baitang, sa kategoryang Iispel Mo, sa Ikatlong pwesto- Benjamin Sabalboro, gurong tagapag-sanay, Gng. Charo D. Baynosa, Ikalawang pwesto- Rocelyn Taneo, gurong tagapag-sanay, Bb. Loida A. Baliguas at Unang pwesto at Pangalawang pwesto na Pandistrito- Luwela Jean R. Ursabia, gurong tagapag-sanay, Gng. Edielyn P. Dalloran.

Para sa Ikalawang Baitang, sa kategoryang Masinging na Pagkukuwento, sa Ikatlong pwesto- Qeen Andrea Nolasco, gurong tagapag-sanay, Gng. Jenny Lynn De Matta, Ikalawang pwesto- Axel Kriz B. Ching, gurong tagapag-sanay, Gng. Lea S. Villanueva at Unang pwesto at Pangalawang pwesto na Pandistrito- Irish Conde, gurong tagapag-sanay, Gng. Ancleta G. Supan.

Para sa Ikatlong Baitang, sa kategoryang Read-A-Thon, sa Ikatlong pwesto- Chloe Ann Bustamante, Ma. Renniel Jauco, Kaira Maxene Sosa, Ma. Mariz Taguinod, Bobby V. Buenavides at Nhel John Santos, gurong tagapag-sanay, Gng. Julie B. Dela Cruz, Ikalawang pwesto- Elaiza Marie T. Dela Cruz, Thimmy Claire A. Magbitang, Chalcedony Zion Bigaran, Roniel C. Dela Rosa at Renz Jefferson Acosta, gurong tagapag-sanay, Gng. Marie Paz F. Tan at Unang pwesto- Lorraine Adolfo, Zymon Vincent C. Agulto, Rose C. Apa, Jewel Lhyllerich P. Santos, Rogelene V. Romero gurong tagapag-sanay, Gng. Gina B. Lopez.

Para sa Ika-apat na Baitang, sa kategoryang Madulang Pagbigkas, sa Ikatlong pwesto- Nathaniel Gungon, gurong tagapag-sanay, G. Nephtalie Abareta, Ikalawang pwesto- Jasper S. Clarito, gurong tagpag-sanay, Gng. Mary Rose P. Bon at Unang pwesto – Kemuel Marasigan, gurong tagapag-sanay, Bb. Melody De Manuel.

Para sa Ika-limang Baitang, sa kategoryang Madulang Pagbigkas, sa Ikatlong pwesto- Justin Loveria, gurong tagapag-sanay, Gng. Chiqui Julianne S. Pascua, Ikalawang pwesto- venezia Francine Villanueva, gurong tagapag-sanay, Gng. Lydia Cordero, Unang pwesto – Dhensel Ferrer, gurong tagapag-sanay, Bb. Emerlita L. Redoma.

Para sa Ika-anim na Baitang, sa kategoryang Madulang Pagbigkas, sa Ikatlong pwesto- Faith Dela Cruz, gurong tagapag-sanay, Gng. Susana L. Barba, Ikalawang pwesto- Cleo Miranda, gurong tagapag-sanay, Bb. Marivic Morales at Unang pwesto – Marie Berrice Porsha, gurong tagapag-sanay, Gng. Ahlee S. Jimenez.

Para sa Ika-anim na Baitang, sa kategoryang Iispel Mo, sa Ikatlong pwesto- Elisha F. Latinazo, gurong tagapag-sanay, Gng. Ahlee S. Jimenez, Ikalawang pwesto- Sander Gatdula, gurong tagapag-sanay, Gng. Martiniana C. Santos at Unang pwesto at Pangalawang pwesto na Pandistrito- Angel Kate Hagos, gurong tagapag-sanay, Gng. Emma F. Diaz.

Para sa Ika-anim na Baitang, sa kategoryang SUKLAS, sa Ikatlong pwesto- Keziah P. Mendoza, gurong tagapag-sanay, Bb. Marivic Morales, Ikalawang pwesto- Reindhale Dela Rama, gurong tagapag-sanay, Gng. Ahlee S. Jimenez at Unang pwesto- Tiffany Ann Paras, gurong tagapag-sanay, Gng. Emma F. Diaz.

Pagkatapos ng parangal bumati rin sa mga nagsipag wagi, magulang at guro si Dr. Jennifer Galicio, ikalawang punong-guro, na sinundan ng pangwakas na pananalita ni Gng. Josefina A. Pelayo, punong-guro ng Paaralang Elementarya ng Maypajo.

Ang programa ay naging matagumpay, nasiyahang lubos ang mga magulang at mag-aaral. Nagkaroon ng pagkuha ng litrato bilang pagkilala sa mga nagsipagwagi. Ang palatuntunan ay natapos ng ika-1:30 ng hapon.

bottom of page